Linggo, Oktubre 20, 2013

Cobra Scepter... Artistic si Mami Benesa!

Para maging kumpleto ang UN Costume ng anak ko.. (Mr. Egypt).. kailangang gumawa ng scepter!!!!!
parang ganito...


I DO NOT OWN THIS PICTURE. CREDIT TO THE OWNER OF THIS PICTURE!


So... gumawa ako ng pinaka-magandang scepter!!! hahaha..
 
Jarannnnnnnnnnn!!!!!






Nilakihan ko yung Cobra Head para.... wala lang.. para bongga... hehehe..

Anyway, eto lang ang mga material na ginamit ko para magawa ito....
Puzzle Mat para sa Cobra Head..

PVC water pipe para sa hawakan ng scepter..


Gold Ribbon, ibabalot sa PVC pipe..


Gold poster paint na mabibili sa National Bookstore..
Gold Glitter Glue para sa design ng Cobra Head..

Acrylic Gemstone teardrop, para sa mata ng Cobra! mabibili sa mga.. panahian store sa SM Department Store...

Wire....

So, here is the step by step ng pagawa ng Cobra Scepter!


 1.  itusok ang wire sa puzzle mat diagonally, magsisilbi itong backbone ng ating cobra head..

2.  dapat nasa loob ang wire ng puzzle mat..


3.  Gumawa ng layout ng cobra sa puzzle mat gamit ang lapis, saka guntingin...
4. eto na ang ating Cobra Head..
 5. i-bend ng konti ang Cobra Head.. para yumuko ang ulo ng Cobra..

6. Ilagay ang PVC pipe, gamitin ang scotch tape..
7. Kulayan ang Cobra Head gamit ang Gold Poster Paint.. patuyuin
8. Balutan ng Gold Ribbon ang PVC Pipe..
9. Lagyan ng mata ang Cobra gamit ang acrylic red gemstones
10.. lagyan ng dila if gusto..
11. Tapos na!!! Yipee!!



Nag-enjoy ba kayo sa pag-gawa ng scepter??? Well, ako nag-enjoy!!! Lalaban na ang anak ko sa Best in Costume for UN!!! Hooray!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento