Biyernes, Oktubre 25, 2013

United Nation SY 2013-2014 ; PARADE OF THE NATIONS

^_^

Natapos na ang United Nation...
Ansaya lang...
Nanalo ang baby boy ko... 2nd Runner-Up and Best in Costume.. may cash prize pa pang
Jollibee...

Here it is!








Success!!!

...Till next year!



.

Miyerkules, Oktubre 23, 2013

Cobra Scepter Version 2.0

This is it! Pansit!!

Tumakbo sa National BookStore at bumili ng kung anich-anich para maayos ulit ang cobra scepter na gagamitin ng anakis ko sa UN... jarannnnnnn!!!

Oct 9-21 - sinimulan ko ayusin ang Scepter..
Oct. 22 -Tuesday na-ulanan ang scepter...naiwan ko sa labas dahil pinapatuyo ko ang pintura..
Oct. 23 - Today is Wednesday.. rush.. punta sa mall, bili ulit ng pintura, glitter glue etc.. rush.. ayos ulit..
Oct. 24 - isang araw para magpatuyo ng pintura ng scepter....
Oct. 25 - Sa Friday ang UN Parade..


ETO NA ULITTTTTTTTTTTT!!!
ang bagong-bago!!!!
kakapintura lang ulit!!!!

Cobra Scepter Version 2.O
O.A. Version




dinagdagan ko ng gold something na nakita ko sa bilihan ng accessories ng christmas tree...... Havey o OA????? ^_^


.

Martes, Oktubre 22, 2013

Kamalas-malasan... T_T

Kamalas-malasan... after 2-3 days ng i-post ko ang ginawa kong scepter para sa UN Costume ng anak ko... T_T

nabasa ng ulan ang scepter kagabi.... T_T nakalimutan ko kunin sa labas, pinapatuyo ko pa kasi ang pintura....  haist.... ansama ng loob ko... 2 weeks ko pinagpaguran... pinatuyo sa arawan... nag-aksaya ng pera sa gold paint... haist... malas... 3 days before UN... eto.. mag-rush ako ngayon ayusin ang scepter... haist...



Finished Product... T_T ang scepter kong cute...

eto na ang nangyari.....




ahhhh..and i'm doomed... T_T


.

Linggo, Oktubre 20, 2013

Cobra Scepter... Artistic si Mami Benesa!

Para maging kumpleto ang UN Costume ng anak ko.. (Mr. Egypt).. kailangang gumawa ng scepter!!!!!
parang ganito...


I DO NOT OWN THIS PICTURE. CREDIT TO THE OWNER OF THIS PICTURE!


So... gumawa ako ng pinaka-magandang scepter!!! hahaha..
 
Jarannnnnnnnnnn!!!!!






Nilakihan ko yung Cobra Head para.... wala lang.. para bongga... hehehe..

Anyway, eto lang ang mga material na ginamit ko para magawa ito....
Puzzle Mat para sa Cobra Head..

PVC water pipe para sa hawakan ng scepter..


Gold Ribbon, ibabalot sa PVC pipe..


Gold poster paint na mabibili sa National Bookstore..
Gold Glitter Glue para sa design ng Cobra Head..

Acrylic Gemstone teardrop, para sa mata ng Cobra! mabibili sa mga.. panahian store sa SM Department Store...

Wire....

So, here is the step by step ng pagawa ng Cobra Scepter!


 1.  itusok ang wire sa puzzle mat diagonally, magsisilbi itong backbone ng ating cobra head..

2.  dapat nasa loob ang wire ng puzzle mat..


3.  Gumawa ng layout ng cobra sa puzzle mat gamit ang lapis, saka guntingin...
4. eto na ang ating Cobra Head..
 5. i-bend ng konti ang Cobra Head.. para yumuko ang ulo ng Cobra..

6. Ilagay ang PVC pipe, gamitin ang scotch tape..
7. Kulayan ang Cobra Head gamit ang Gold Poster Paint.. patuyuin
8. Balutan ng Gold Ribbon ang PVC Pipe..
9. Lagyan ng mata ang Cobra gamit ang acrylic red gemstones
10.. lagyan ng dila if gusto..
11. Tapos na!!! Yipee!!



Nag-enjoy ba kayo sa pag-gawa ng scepter??? Well, ako nag-enjoy!!! Lalaban na ang anak ko sa Best in Costume for UN!!! Hooray!!!

United Nations na naman...


I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE

First time mom of a pre-school... i should not used the word "na naman".. dahil ang totoo, super excited ako!
Na-assign sa baby ko to represent the country of Egypt.. dami kong research na ginawa para sa magiging costume nya... Im not satisfied sa mga nakita ko online.. masyadong plain... at mostly talaga ng costume na pang-boys ay hindi naman bonggacious... mostly pang-babae ang bongga... na-sad ako... tumingin narin ako sa mga mall ng pang Egypt.. Pharaoh costume P900 na nga panget parin... (wag nyo naman ako sisihin masyado if naghahanap ako ng super maganda.. first time mom eh... baka after 2-3 years eh tipirin ko narin sya sa costume, pagbigyan niyo na ko.. hehehe.. )


Anyway, this is my son, Maroon.. wearing an Egyptian costume.. Parade of Nation Jollibee Workshop 2013, ni-rent ko lang ang costume na to for P250.. hindi sya nanalo sa Best in Costume kaya medyo sad ang mommy.. so sabi ko, sa UN sa school.. ibibili ko talaga to ng magandang costume...

So, nagsimula na nga akong maghanap...... ^_^

I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE

Parang ganito yung nakita ko sa SM Department store sa may Toy Kingdom, wala lang yung parang belt na nakapatong sa shoulder niya saka yang hawak niya na scepter.. bale damit lang.. saka head dress.. ang price ay P900.. pero sabi ko nga.. hindi naman ako nagandahan..

So hanap pako, online.. balak ko sana kahit mag-order abroad, kaso limited na lang ang time ko..
Nakakita ako ng picture ng isang kid na nakacostume ng Egypt..
at nagustuhan ko talaga sya...
I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE

I tried to contacted the uploader of the video ng kid na to, ask ko sana kung san nabili o kung binebenta kaso hindi naman nag-respond.. kaya inisip ko magpatahi nalang...
Gumawa ako ng sariling design based dito sa costume na nakita ko...


Yan na ang nagawa ko.. ibibigay ko sa mananahi.. sa mga napag-inquire ko, walang  head dress, aabot na sa P1500.. kaya frustrated na naman ang lola... 

So I decided na pumunta sa mga bilihan talaga ng costume.. balita ko meron sa may bandang Quiapo..

I found this store in Palanca St., andaming costume!! if gusto niyo ng mura pero bongga na pwedeng ilaban sa Best in Costume, dito madaming pagpipilian.. mga tatlo yatang store ito na puro costume lang at flags ang binebenta.. at dahil puro chinese ang may-ari, dun ka makipagtawaran ng presyo, wag sa tindera! hehe.. malas kasi sa chinese na may pumapasok sa store nila na walang nabili.. kaya ibibigay talaga sayo yung presyo na gusto mo kunin mo lang ung tinda nila.. :)

 I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE
 I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE
I DO NOT OWN THE PICTURE!! CREDITS TO OWNER OF PICTURE



So eto na nga.. dito nako nakabili ng napakagandang costume for my son!! Medyo mahal nga lang ang bili ko hehe.. (sabi nang pagbigyan niyo nako eh!) 

Price:

Bonggacious na Pharaoh Headdress - P750 (natawaran ko ng P700)

Bonggacious na Pharaoh Costume complete with shining armbands and collar ("special" ang tawag dito ng sales lady, kasi merong pang normal lang na costume na Pharaoh worth P450) - P800 (natawaran ko ulit ng P700)


golden snake na armband (hindi special) - P150 (natawaran ko ng P100)


ang wala sila yung cobra staff, yung snake na tungkod kaya need ko pa humanap to complete the costume...
Medyo mabigat ang headdress so malamang hindi magiging comfortable ang bata dito.. pero sabi ko naman, minsan lang to.. tiis ganda anak! haha

I'll post the photos na suot na niya ang costume.. 5 days from now pa kasi ang UN, kaya after the event ko nalang i-post...

Para sa mga mommy na naghahanap ng magandang costume, for UN or for halloween, I definitely recommend this place! Wait.. gawa lang ako ng map para di kayo mahirapan maghanap..
So, from Quiapo Church Plaza, walk lang kayo diretso sa Villalobos St., liko sa unang kanto sa kaliwa, makikita nyo ang Palanca St., (dapat nakikita nyo rin yung Quezon Bridge sa harapan nyo).. sa kanang side, makikita niyo na ang City Tektite, ito ang bilihan ng mga costume, may katabi pa syang dalawang store na puro costume din kaya pili-pili nalang kayo... ^_^

Next na ikikwento ko ay kung pano ko ginawa yung cobra scepter ng anak ko to complete the accessories... Goodluck sa paghahanap ng Costumes!!!